Truck, Nahulog sa Palayan; 2 Patay, 5 Sugatan

GINAGAMOT PA rin sa Abra Provincial Hospital ang limang nasugatan habang naunang nadeklara na dead-on-arrival ang dalawa pa sa pagkahulog ng isang Isuzu dump truck na pag-aari ng LGU ng Malibcong sa apat na metro kataas na palayan sa Brgy. Duldulao, Malibcong, Abra kamakailan.

Idineklarang dead-on-arrival sina Ruben Gunawa at Danilo Gammingat na kapwa residente ng naturang lugar, habang ang lima pang mga sugatan ay nakilalang sina Fernando Boy-agan, Unisemo Gunawa, Norma Salabao, Digna Banatao at Loida Doque.

Napag-alaman namang may 37 pasahero ang nabanggit na sasakyan na may plate number na WTD 957 at patungo sana sa Malibcong, Abra nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver dahilan para tuluyan itong mahulog sa palayan.

Samantala, patuloy pa rin ang pagsisiyasat na isinasagawa ng mga kinauukulan hinggil sa naturang insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.