Truck, Nahulog sa Bangin sa Baguio; 5 Patay, 38 Sugatan

 

LIMANG KATAO ANG humabol sa Araw ng mga Patay nang mahulog ang isang truck sa bangin sa Baguio City Sabado ng gabi.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, patay ang mga biktimang sina Doma Angdasen, Efren Bukasan, Maggay Lartec, Badul Palag-oc at isang nakilalang Ngiti habang 38 iba pa ang sugatan sa nasabing trahedya.

Matapos mahulog ang isang Elf truck sa isang bangin na may lalim na 80 metro sa Mt. Province kagabi.

Ayon kay Police Regional Office-Cordillera (PRO-COR) public information officer P/Supt. Engelbert Soriano, bandang alas-7:45 ng gabi nang mahulog ang nasabing sasakyan sa 80 metrong lalim na bangin sa Halsema Highway, Sitio Lukib, Monamon Sur, Bauco Mt. Province.

Napag-alamang dumalo sa isang kasalan sa lungsod ng Baguio ang mga biktima.

Paniniwala ng ibang mga nakaligtas na inaantok ang driver na si Thomas Magadia  kaya nawalan ito ng kontrol sa sasakyan.

Gayunpaman, sinabi niya na nakahanda nitong harapin kung ano man ang kasong isasampa laban sa kanya.

Sinasabing  pagka-tapos maiahon ang mga biktima mula sa loob ng Elf truck ay nahulog muli ang sasakyan sa lalim na 200 meters mula sa unang kinabagsakan nito.

Sa ngayon ay ginagamot pa rin sa iba’t ibang ospital sa Baguio at Mt. Province ang mga nasugatan.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.