Truck, Nahulog sa Bangin; 3 Kritikal

NASA KRITIKAL na kundisyon ang tatlong katao makaraang mahulog ang kanilang truck sa may 20 metrong lalim na bangin sa Camp IV, Kennon Road sa bayan ng Tuba, Benguet kamakailan.

Kabilang sa malubhang nasugatan ay sina Arnold Calatan, 20, driver, ng Balacbac, Baguio City; Ogie Camitan, 29, helper mula sa Camp 6, Kennon Road, Tuba, Benguet; at si Jeffrey Hernando, 20, ng Tagudin, Ilocos Sur.

Base sa report  ni P/Chief Insp. William Willie, lango sa alak ang driver ng trak na si Calatan habang nagmamaneho patungo sa La Union upang kumuha ng buhangin nang mangyari ang insidente.

Samantala, agad namang naisugod sa Baguio General Hospital  ang mga biktima na kasalukuyan pa ring nilalapatan ng lunas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.