Truck na May Kargang P2-M Halaga Ng asukal, Na-hijack; Driver, Pinatay pa

BINURDAHAN NG saksak sa iba’t ibang parte ng katawan nang matagpuan ang bangkay ng sinasabing driver ng trailer truck na kumakarga ng mahigit SA P2 milyong halaga ng mga sako-sakong asukal na naireport na na-hijack sa lalawigan ng Zamboanga del Sur noong nakaraang lingo.

Base sa ulat  mula sa Tigbao municipal police station, dakong alas-6:45 ng umaga nang marekober ang labi sa may Purok Mendoza, Barangay Begong, Tigbao ng naturang lalawigan kung saan positibo siyang kinilala ng mismong misis na si Alejandro Pilleren Superales, 57, residente ng Barangay Aglayan, Malaybalay City, Bukidnon.

Nabatid na si Pillere ay ang company driver ng Prime Mover Trailer truck ng Tums Trucking Company na pagmamay-ari ng negosyanteng si Roger Tan NBG Barangay Gusa, Cagayan De Oro City.

Napag-alaman ng mga kinauukulan mula sa negosyante na umalis ang biktima kasama ang kanyang truckman sa Malaybalay City, Bukidnon bandang als-2:30 ng madaling araw noong ika-23 ng Hunyo dala ang milyong halaga ng mga sako-sakong asukal.

Kaagad na naiulat sa mga awtoridad ang insidente matapos madiskubre ni Tan na hindi nakarating sa destinasyon sa Zamboanga City ang mga ipinadalang asukal.

Una nang nakita ng mga awtoridad ang inabandonang trailer truck sa gilid ng kalsada sa may Sitio Gosao, Barangay Poblacion, Leon Postigo sa lalawigan naman ng Zamboanga del Norte.

Sa ngayon, nawawala pa rin ang sinasabing truckman na kasama ng driver nang mangyari ang pangha-hijack.

Na-turn-over na  rin ang bangkay ng driver sa kanyang asawa na si Norlita Pillerin Kisteria, 47.

Samantala,  patuloy na nagsasagawa ng pagsisiyasat  ang pulisya para matukoy kung sinong grupo ang responsable sa naturang insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.