Truck Helper, Dedo sa Troso

PATAY ANG isang truck helper matapos madaganan ng troso mula sa nag-collapse sa truck habang ang una ay nagtatanggal ng cover sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Florencio Tulod Jr., 31 ng Libis Espina St., ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-2:28 ng hapon, kinakalag ng biktima ang plastic cover ng truck sa loob ng bodega ng New Land Lumber and Construction Supply sa A. Mabini St., ng lungsod nang mag-collapse ang mga kargang troso at madaganan si Tulod na naging dahilan ng agad na kamatayan.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.