Truck helper, binoga sa mata

PATAY ANG isang 34-anyos na truck helper matapos barilin sa kanang mata ng hindi hindi nakilalang suspek sa Port Area, Maynila kamakailan.

Sinabi ni PO3 Jupiter Tajonera ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS) na papunta na sa trabaho ang biktimang si Renato Lagarde, na naninirahan sa Gate 20, Area II, Parola Compound, Port Area, dakong alas-tres ng madaling-araw nang mangyari ang krimen.

Nang mapadaan si Legarde sa madilim at makipot na parte ng eskinita sa harapan ng No. 23 Gate 20, Area II, Parola Compound, dito na umano siya pinaputukan ng isang lalake na bigong mailarawan ng mga nakasaksi.

Agad na humandusay ang biktima sa semento at mabilis na nakatakas ang salarin.

Nakuha naman ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang basyo ng baril na kalibre .45 sa tabi ng bangkay ng biktima.

Samantala, napag-alaman din na gumagamit umano ng droga si Legarde at marami nang nakaaway dahil dito na siyang hinihinalang motibo sa ginawang pamamaslang sa kanya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.