Truck Driver, utas; isa pa, sugatan sa boga

DEAD ON the spot ang isang delivery truck driver habang isa pa ang sugatan sa pamamaril sa Brgy. Puntod sakop ng Cagayan de Oro City.

Kinilala ang biktima na si Danilo Ermeo, residente ng Valencia City, Bukidnon; at ang sugatang si Jonathan Templa na residente ng San Juan 2, Brgy. Lapasan ng nasabing lungsod.

Ayon kay PO2 Welmer Nawnaw ng Macabalan Police Station, isang hindi nakilalang lalaki ang bumaril sa biktima habang palabas ito sa isang videoke bar.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril ang biktima na tumagos sa kanyang likod at braso. Tinamaan din si Templa sa kanyang paa subalit nasa ligtas na itong kalagayan ngayon.

Nakuha sa crime scene ang tatlong slugs ng pinaniwalaang 9mm pistol. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa nasabing krimen.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.