Truck driver, Putol ang Paa sa Karambola ng 4 na Truck

PUTOL ANG kaliwang paa ng isang driver ng isang trailer truck matapos masangkot sa karambola ng apat na truck sa Road 10, Tondo, Maynila.

Ayon sa mga nakasaksi, nagkikipagka-rera ang nadisgrasyang driver na si Ernie Go, 27-anyos, sa trak na minamaneho ni Isidro Babon, dahilan para sumalpok ito sa kasalubong ding truck.

Inararo naman ng truck ni Babon ang mga nakaparadang pedicab kung saan nasugatan sina Ricky Limpiado at ang 7-taong gulang na batang si Genzo. Dahil dito, kinuyog ng ilang residente si Babon.

Habang isa pang trak ang nadamay sa karambola.

Nahaharap sa kasong physical injuries sina Go at Babon.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.