Tropang Texters, PBA Philippine Cup 2011 Champion

SINUNGKIT NG TALK & Text Tropang Texters ang kampeonato sa PBA Philippine Cup 2010- 2011, matapos na ilampaso sa Araneta Coliseum noong Biyernes, Pebrero 4, ang koponan ng San Miguel

Beermen sa score na 95-82 at series lead na 4-2 sa game 6 ng kanilang sagupaan.

Tinanghal namang Most Valuable Player si Jimmy Alapag ng Tropang Texters, kung saan nakunan ng

ating kamerang-gala ang paglapit ng asawa nitong si LJ Moreno, at masayang hinalikan sa labi (itaas).

Matapos ang awarding, agad na nagtungo ang buong tropa sa Kamayan-EDSA para sa isang masayang

salu-salo. Pinasalamatan ni Mr. Ricky Vargas (ibaba, kanan), team governor ng Talk & Text Tropang Texters ang lahat ng sumuporta sa team at ang mga fans nito.

Kasama ring nakisaya sa ginanap na victory party sina Mr. Manny V. Pangilinan (gitna), team owner; at

Pato Gregorio (kaliwa, team manager ng Meralco Bolts na sister team ng Tropang Texters.

Photos by Danny Volante

Sports Buzz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.