TRO vs watchlist order ng DoJ, umiiral pa rin

 

UMIIRAL PA RIN umano ang inilabas na temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court laban sa watchlist order ng Department of Justice (DoJ) sa kaso ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Batay sa botong 9-4, binigyang-diin ng mga mahistrado na tuloy pa rin ang TRO, kahit hindi nasunod ang mga itinalagang kundisyon para rito ng hukuman, ayon kay SC spokesman Jose Midas Marquez.

“There was an initial compliance that the petitioner [Mrs. Arroyo] appoint a legal representative. A special power attorney was filed [by the Arroyo camp] except that after going over the special power of attorney, there was a general representation by Atty. (Ferdinand) Topacio, but it lacked the word authorized to receive processes and subpoenas. He was directed to file a supplemental compliance,” ani Atty. Marquez.

Una nang kinuwestyon ni Justice Secretary Leila de Lima ang effectivity ng TRO, gayong hindi naman umano natupad ng dating Pangulo ang kundisyong nakakabit sa kautusan.

Maalala na walo sa mga mahistrado ang pumabor na maglabas ng TRO, habang lima naman ang nagsabing dapat munang magkaroon ng oral argument bago desisyunan ang kahilingan ng kampo ni Arroyo.

Kabilang sa mga kundisyong ibinigay ng Supreme Court ang mga sumusunod: una, kailangang maglagak ng P2million cash bond ang mag-asawang Arroyo; pangalawa, kailangang magtalaga ang mga Arroyo ng kanilang legal representative na tatanggap ng mga dokumento mula sa korte gaya ng subpoena. Ayon kay Marquez, ito ay upang hindi maidahilan ng mga Arroyo na hindi nila natatanggap ang mga dokumentong galing sa korte sakaling makalabas na ito ng bansa; at pangatlo, kailangang mag-report agad ang mag-asawang Arroyo sa embahada ng bansa sa mga bansang pupuntahan nito. Layunin nito na matukoy kung saang bansa nagpupunta ang Pamilya Arroyo. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.