TRO vs pork barrel, iaapela ng mga kongresista

NAIS IPABAWI ng mga kongresista ang temporary restraining order (TRO) na ipinataw ng Supreme Court (SC) laban sa kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel, kung saan iaapela nila ito ngayong Lunes.

Partikular uma-nong hihilingin nila sa isasampang mosyon ang pagtanggal ng TRO laban sa kanilang pork barrel funds na nakalaan para sa scholarships at medical assistance programs, ayon kay House committee on appropriations vice-chairman at Eastern Samar Rep. Ben Evardone.

Tinukoy pa ng mambabatas na naisu-mite na rin sa Office of the Solicitor General ang kopya ng affidavits ng mga scholar at pasyente na lehitimong benipisyaryo ng nasabing pondo ng mga mambabatas.

Sa datos ni Evardone, mayroong kabuuang 997, 720 na mga pas-

yente at 456,871 scholars ang umaasa sa tulong ng gobyerno sa pamamagitan ng pork barrel fund.

“For humanitarian

considerations, we would like to appeal to the Supreme Court to consider the situation of our constituents who depend on the PDAF,” ayon kay Evardone.

Nag-isyu ng TRO ang Supreme Court laban sa PDAF habang nakabinbin ang pagtalakay sa petis-yong kumukuwestiyon sa legalidad nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.