TRO vs dagdag-singil sa SSS, iginiit sa Korte

HINILING NG militanteng grupo na Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Supreme Court (SC) na pigilan ang pagpapatupad ng 0.6 porsiyentong pagtaas sa premium contribution ng mga kasapi ng Social Security System (SSS).

Sa kanilang petisyon, inihayag ng KMU sa Korte Suprema na ang nasabing dagdag-singil ay magpupuwersa sa mga miyembro ng SSS na kumikita ng minimum na magdagdag ng P25 sa kani-kanilang kontribusyon.

Ipatutupad ang dag-dag-kontribusyon nga-yong Enero. Mula sa 10.4 porsiyento, ang bagong premium contribution ng mga kasapi ay magiging 11 porsiyento na.

Hiniling ng naturang grupo sa Kataas-taasang Hukuman na magpalabas ng temporary restraining order (TRO).

“The SSS definitely does not need to increase premium contributions just to continue their services. The truth is, it has more than enough funds,”  Pahayag ng KMU.

“We are hoping that the High Court would heed our workers’ plea and would issue a permanent injunction against the hike,” ayon pa  sa grupo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.