TRO sa power rate hike, muling pinalawig ng SC

PINALAWIG PA ng Korte Suprema ang temporary restraining order (TRO) nito sa time power rate hike ng Manila Electric Company (Meralco) noong Disyembre 2013.

Sa deliberasyon ng SC en banc sa summer session nito sa Baguio City, pinaboran sa botong 10, apat na kontra at 1 abstain ang petisyon ng ilang consumer at party-list group na pigilan pa ang paniningil.

Ibig sabihin, hindi pa rin maaaring ipatupad ng Meralco ang P4.15 kada kilowatt hour (kWh) na taas-singil.

Disyembre nang unag pigilin ng SC ang dagdag-singil sa loob ng 60-araw. Pebrero nang palawigin pa ito sa susunod pang 60-araw.

Sa pagkakatong ito, “indefinite until further orders” ang TRO.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.