TRO sa PDAF at Malampaya Funds, Inilabas ng SC

NAGPALABAS NG temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban sa Priority Development Asssitance Fund (PDAF) ng mga mambabatas sa ilalim ng General Appropriations Act of 2013.

Ito ang napagkasun-duan ng mga mahistrado ng Supreme Court (SC) sa isinagawang en banc session kahapon.

Maliban dito, pinigil din ng SC ang pagpapalabas ng Malampaya Fund na ga-gamitin para sa pagpapairal ng bahagi ng probisyon ng Section 8 ng Presidential Decree 910.

Base sa nasabing probisyon, sinasabing “for such other purposes as may be directed by the President.”

Kaugnay nito, itinakda ng Korte Suprema ang oral argument para sa naturang usapin sa Oktubre 8 ganap na alas-2:00 ng hapon.

Binigyan ng SC ang mga petitioner at respondent ng 10 araw para magkomento.

Nabatid na naghain ng kanilang mga petisyon laban sa PDAF funds at Malampaya funds sina dating Manila Councilor Greco Belgica, Social Justice Society at dating Mayor Pedrito Nepomuceno.

Samantala, kabilang sa mga pinangalanang respondents sa kaso ay sina Presidential Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., et.al.; Hon. Franklin Drilon et. al; at Pangulong Benigno Aquino III et. al.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.