TRO sa Cybercrime Law, Pinalawig ng SC

PINALAWIG NG Korte Suprema ang temporary restraining order (TRO) kontra sa implementasyon ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sinabi ni Atty. Gleo Guerra, ang tagapagsalita ng Supreme Court, na tatagal ang panibagong TRO hanggang walang panibagong kautusan.

Nilinaw ni Guerra na “indefinite” o walang petsang tinukoy kung hanggang kailan ang pag-iral ng naturang TRO.

Napag-alaman na Oktubre 9, 2012 nang nagpalabas ng 120 days na TRO ang SC na tatagal sana hanggang ngayong araw, Pebrero 6.

Nauna nang hiniling ng 15 mga petitioner sa pa-ngunguna ng NPC, NUJP at ilang mga militanteng grupo na panatilihin na lamang ang implementasyon ng TRO.

Pinababasura rin ng mga ito ang kontrobersyal na batas dahil sa nilalabag nito ang freedom of expression ng mga gumagamit ng social media.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.