TRO kontra pagsasapribado ng Orthopedic center sa ‘Pinas, inihirit sa SC

DUMULOG SA Supreme Court (SC), kamakailan ang samahan ng mga health worker sa bansa, ilang pasyente at mga militanteng grupo para pigilan ang napipintong privatization ng Philippine Orthopedic Center (POC).

Base sa 62-pahinang petition for certiorari and prohibition at temporary restraining order (TRO) o writ of preliminary injunction, iginiit ni Atty. Edre Olalia ng National Union of Peoples Lawyer (NUPL), kinatawan ng mga petitioner, na may grave abuse of discretion sa panig ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, ilang opisyal ng Department of Health (DOH) tanggapan ng Public Private Partnership Center at National Economic and Development Authority (NEDA) nang ipasa o ibigay nito sa Megawide Construction Corporation at World Citi Medical Center ang awtoridad para pangasiwaan ang POC.

Paglabag aniya ito sa nakasaad sa Konstitusyon na dapat itaguyod at pangalagaan ng Estado ang karapatan sa kalusugan ng mga mamamayan lalo na sa mahihirap na pasyente.

May grave abuse of discretion din anila ang mga public respondent nang palawakin nito ang Build, Operate and Transfer (BOT) Law para masakop ang pagsasapribado ng health services.

Nais ng mga petitioner na isantabi o ipawalang bisa ng Kataas-Taasang Hukuman ang pagsasapribado ng POC dahil sa pangambang simula pa lamang ito ng privatization ng iba pang public hospital na nasa ilalim ng pangangasiwa ng DOH.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.