TRO kontra Meralco rate hike, tuloy pa rin

MULING NAGPALABAS ng karagdagang 60 araw na temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) laban sa power rate hike ng Manila Electric Company (Meralco).

Ibig sabihin, hindi pa rin maaaring ipatupad ng Meralco ang P4.15 kada kilowatt hour (kWh) na dagdag-singil hanggang Abril 22, 2014.

Una na itong pinigil ng SC noong Disyembre 23.

Nagpalabas din ng isa pang TRO ang Korte Suprema para pigilan ang generation companies na mangolekta ng generation charge hinggil sa pinagtatalunang power rate hike.

Epektibo rin ang nasabing pagpapalawig sa TRO simula kahapon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.