TRO kontra bus ban, ibinasura

IBINASURA NG Manila Regional Trial Court ang kahilingan ng bus operators na pagpapalabas ng  temporary restraining order laban sa implementasyon ng  bus ban sa Maynila.

Lumalabas sa  desisyon na ipinalabas ni Manila RTC Judge  Daniel Villanueva branch 49, wala umanong merito ang petisyong inihain kamakailan ng mga bus operator upang pigilan ang implementasyon ng   Resolution no. 48 o ang pagbabawal sa pagpasok ng mga bus na walang terminal.

Sinabi ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na indikasyon lamang ito na legal at nasa tama ang  pagpapatupad  ng  naturang ordinansa sa layuning maayos ang trapiko sa lungsod.

Ayon kay Moreno, na malinaw sa ilalim ng Local  Government Unit, na may karapatan ang lungsod ng   Maynila na mag-regulate sa mga dadaan sa kalsada at kalye sa layuning mapangalagaan ito.

Samantala, bagama’t  marami ang bumabatikos, sinabi pa ni  Moreno na hindi nila titigilan ang   implementasyon nito hangga’t hindi nadidisiplina ang mga operator mula sa paggamit ng mga kolorum bus at mga driver na nagbaba ng pasahero kung saan-saan at mga commuter na kung saan-saan sumasakay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.