Triplets na Baby, Ligtas na sa Hepa-B ng Nanay

NASA LIGTAS ng kalagayan sa BulacanProvincial Hospital ang tatlong magka-kapatid na magkakasunod na iniluwal ng kanilang nanay na nadiskubre na maysakit na Hepa-B, at mga residente ng Brgy.Kabayunan sa bayan ng Dona Remedios Trinidad sa lalawigang ito.

Sa exclusive interview ng Pinoy Parazzi sa ina ng triplets, na si aling Annaliza Perez, 27, sa ikalawa nyang panganganak biniyayaan sila ng dalawang lalaki at isang babae.

Aniya, labis ang kanilang tuwa dahil sa malusog na isinilang sina Simon, Shenyee at Shakirha nito lamang Febrero 29 ng

tanghali, subalit nabalot ng lungkot ang mag-asawa nang lumabas ang resulta ng laboratory ni Annaliza dahil lumitaw na maysakit itong Hepa-B.

Kung saan agad na pinayuhan ng mga doctor ang ina, na bawal itong magpasuso sa kanyang tatlong anak,dahil sa pangamba na mahawa ito sa  sakit ng ina.

Ayon sa ina ng tatlong angel, marahil nakuha niya ang sakit sa pagkain ng mga inihaw, kung saan nabibili ito sa mga gilid ng kalsada na karaniwang nadadapuan ng langaw na posibleng may bacteria, at nalalagyan ng mga alikabok mula sa  mga rumaragasang sasakyan.

Dobleng lungkot ang nararamdaman ngayon ng mag-asawa dahil sa laki ng gastusin na kanilang kakailanganin para sa sakit nito na Hepa-B dagdag pa rito ang problema sa pambayad sa ospital at pambili ng gatas ng tatlo, dahil sa kabilang ang mag-asawa sa mahirap na pamilya sa nabanggit na bayan.

Dahil dito nanawagan ng tulong ang mag-asawa sa publiko na may ginintuang puso na tulungan sila sa mga gastusin sa pambili ng gamot.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.