Trip ni hepe

0915972xxxx –Sir, isa po akong concerned citizen, isusumbong ko lang ang hepe ng Pinagbakahan, Malolos, Bulacan dahil sa katabing baranggay siya nagdu-duty at doon po siya nangti-trip ng mga tao. At kapag po siya’y nalalasing ay namumukpok siya ng baril. Sana po ay mabigyan niya ng pansin ang aming problema. Salamat po.

 

0915445xxxx – Sir Raffy, ako po ay isang concerned citizen ng Malolos, Bulacan, nais ko lang isumbong sa inyo ang isang pulis dito na gusto ay sa FX terminal niya kami kumuha ng pasahero. Ang terminal po ay government property dapat po ay may resibo ito pero wala siyang binibigay sa kanila lamang napupunta ang butaw. Sana po ay matulu-ngan ninyo kami. Salamat.

 

0948411xxxx – Sir, pakikalampag naman po ang mga kinauukulan dito sa Bicutan dahil sa talamak na pandurukot na nangyayari rito sa Bicutan Footbridge papunta sa SM Bicutan. Napakarami na po kasi ang napeperhuwisyo. Sana po ay magkaroon ng police visibility para mabawasan kundi man ma-tigil ang nangyayaring pandurukot. Maraming salamat po.

 

0928434xxxx – Idol Raffy, nais ko po sanang ireklamo ang Bulalacao National High School sa Oriental Mindoro dahil naniningil po sila ng pambayad ng kuryente at tubig, pampasuweldo sa guwardiya, pambili ng kurtina, pagpapaayos ng mga CR at marami pang iba. Kapag hindi ka nakapagbayad ay hindi bibigyan ng exam ang mga bata. Sana po ay matulungan ninyo kaming mga magulang sa aming problema. Salamat po.

 

0929222xxxx – Nais ko lang pong itanong  sa inyo kung mayroon po bang bayad ang pagpapa-check up sa mga health center at pati na rin ang pagpapa-injection ng baby rito, kasi rito sa amin may bayad na P30.

 

0916221xxxx – Idol Raffy, isusumbong ko po na may nagpakilalang isang director daw ng Camp Aguinaldo na magso-solicit ng 6,000 pesos para sa ticket ng fun run daw po ito at ang kikitain ay itutulong daw po sa mga nasalanta ng bagyong Pedring. Totoo po ba ito o scam lang? Sana po ay masagot ninyo. Salamat po.

 

0946564xxxx – Sir Raffy, baka naman po puwedeng ipatigil na ang pagku-quarry sa San Miguel, Sto. Tomas dahil nahihirapan po kami kapag malakas ang ulan at bumabaha na po sa aming lugar. Napakayabang pa ng mga taong nagmamay-ari nito. Sana po ay matulungan po ninyo kami. Salamat po.

 

Ang inyong SHOOTING RANGE ay napapanood Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:15 pm sa Balitaang Tapat sa TV5. Pagsapit ng 2:00-4:00 pm naman, ang inyong SHOOTING RANGE ay napapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, sa programang WSR na naka-simulcast sa Aksyon TV Channel 41.

At pagdating naman ng 5:30-6:00 pm, ang inyong SHOOTING RANGE ay mapapanood pa rin sa TV5, sa programang T3. At tuwing Lunes, 11:30 pm, matutunghayang nakikipagbakbakan ang inyong SHOOTER sa mga mapang-api at mapang-abuso sa programang WANTED sa TV5.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.