Trina Legaspi, happy sa pagratsada sa pelikula

Trina Legaspi

Trina Legaspi

Masaya si Trina Legaspi sa takbo ng kanyang showbiz career ngayon. Every month kasi ay may pelikula siya.

Last month ay ipinalabas ang “Pare, Mahal Mo Raw Ako”, ngayong July ay ‘eto namang “I Love You To Death” ng Regal Entertainment at The Idea First Company. Next month naman ay ang Cinemalaya entry na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos, titled “Kusina”.

“Well, I’m very happy, kasi ngayong nakapagtapos na ako ng college, I think mas makapagpo-focus na ako sa showbiz. Happy na, even though parang nagsisimula ulit ako, nabibigyan ako ng opportunity for movies,” pahayag ni Trina.

Dagdag pa ng dating child star na kilala bilang Hopia, “Next month na ‘yung Cinemalaya para sa movie na ‘Kusina’. I’ll be the younger version of Ms. Judy Ann Santos.

“Sana magtuloy-tuloy na rin po ito, para mas mai-showcase ko rin ang iba ko pang talents, like singing ang hosting. Sana ay mabigyan din po ako ng opportunities.”

Hinggil naman sa movie nila nina Enchong Dee, Kiray Celis, and company, sinabi ni Trina na masaya siya sa reaction ng audience sa kanilang premiere night.

“Masaya, kasi nagugulat sila e, and iyon naman talaga ang objective namin, ang magulat sila, mag-enjoy, tumawa, and at the same time ay kiligin. I’m happy na na-appreciate nila iyong pinaghirapan naming movie. Sana after this, suportahan nila, na i-tweet nila, i-promote nila sa social media, kumbaga ay word of mouth. Importante iyong word of mouth para kumita iyong film.”

Sinabi rin ni Trina na pampamilya ang pelikula nila.

“Horror-comedy ito na may pampakilig, tapos ay sinamahan pa ng Kiray at Enchong. At saka iyong director namin na batang-batang director. Kumbaga, fresh ‘yung mga ideas niya, ang gaganda ng shots. In terms of technicalities pa lang, maganda iyong film.”

Ano ang masasabi niya kina Kiray at Enchong?

“Kinikilig ako sa kanila!” nakatawang saad niya. “Lalo na iyong mga kissing scenes nila, talagang sobrang nakakikilig. At saka ang ganda ng chemistry nila, para talagang patay na patay si Tonton (Enchong) kay Kiray. Convincing siya.”

Ang “I Love You To Death” ay showing na ngayon at tinatampukan din nina Janice de Belen, Michelle Vito, Betong Sumaya, Devon Seron, Paolo Gumabao, at iba pa. Ito’y mula sa direksiyon ni Miko Livelo.

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.