Trillanes, sinungaling at ingrato – Erap

NASAKTAN SI dating Pangulong Joseph Estrada sa ginawang pambabatikos ni Sen. Antonio Trillanes IV kay Senate President Juan Ponce-Enrile.

Ayon sa dating pangulo, kawalang-respeto ang ginawa ng senador.

Sinungaling at ingrato si Trillanes, dagdag pa ni Estrada.

Sinabi ni Estrada na mataas ang kanyang respeto kay Enrile lalo’t hindi aniya siya nito iniwan noong siya’y napatalsik sa puwesto, kinasuhan at nakulong.

Dahil dito, imposible aniya ang ibinibintang ni Trillanes na si Enrile ay sunud-sunuran kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Kamakailan, sa mismong plenaryo ng Senado, harapang binatikos ni Trillanes ang pangulo ng Senado at inakusahan ng pagiging sunud-sunuran kay Arroyo para madaliin ang pagsasabatas ng paghahati sa Camarines Sur.

Kasabay nito, ina-nunsyo ng senador ang pagkalas niya sa ma-yorya ng Senado.

Lumaki na ang ulo ni Trillanes dahil matapos aniyang manalo ito noon sa pagka-senador sa ilalim ng Genuine Opposition (GO) ay kumalas ito at lumipat sa Nacionalista Party (NP) at ngayon naman ay sa Liberal Party (LP), ani Estrada.

Bunsod nito, sinabi pa ng dating pangulo na pinagsisisihan na niya ang pagtulong noon kay Trillanes.

Samantala, naniniwa-la rin si Estrada na ang aniya’y ginawang pambabastos ng senador kay Enrile ay magdudulot ng pagbagsak ng kanyang career sa pulitika.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.