Trillanes, nangongopya lang ng trabaho –Enrile

NATAWA NA lamang si Senate President Juan Ponce Enrile sa aniya’y pag-aangkin ni Sen. Antonio Trillanes ng mga kredito sa mga batas na naipasa nito sa Senado.

Ginawa ng pangulo ng Senado ang pahayag matapos ipagmalaki ni Trillanes ang mga panukalang batas na naihain nito, kabilang ang Archipelagic Baselines Law.

Inihayag ni Enrile na wala umanong ginawa ang senador kundi kopyahin ang kanyang mga trabaho.

“Ako ang gumawa ng Baselines Law. Alam mo, kinopya pati nga iyong anti-Trust Law ko na hindi man lang humingi ng permiso sa akin, eh. Kinokopya niya lang sa akin,” ayon kay Enrile.                                                                                                                     Matatandaan na nagkasagutan ang dalawa dahil sa isyu ng paghahati ng Camarines Sur at pagiging backdoor negotiator ni Trillanes sa bansang Tsina.

“Ano ba ang naipasa niyang bill nang hindi siya nakipag-usap para maayos? Tinulungan siya na maayos ang palpak na mga bills na ini-sponsor niya. Hindi niya masagot-sagot ang mga kuwestiyon?” patuloy na patutsada ng senate president.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.