TRILLANES IINSULTUHIN SA PMA

FORT DEL PILAR, BAGUIO CITY- INISNAB nina dating Navy Lt. Senior Grade at ngayo’y Senador Antonio Trillanes IV at ang whistleblower na si ret. Col. George Rabusa ang Alumni Homecoming ng mga cavaliers ng Philippine Military Academy (PMA) sa Fort del Pilar, Baguio City.

Ito’y kasunod na rin ng pag-ani ng mga pagbatikos ni Trillanes na pinagsabihan ng mga cavaliers na nawala ang pagka-maginoo sa lantarang pambabastos sa nag-suicide na si dating AFP Chief of Staff at dati ring Defense Secretary Angelo Reyes na hindi nito binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag sa alegasyon hinggil sa AFP fund mess.

Sa kaso naman ni Rabusa, ang whistleblower sa pabaon at pasalubong sa mga dating Chief of Staff, marami rin sa mga cavaliers ang nagagalit rito dahilan sa isa umano itong ‘polluted witness’ na hawak ni Senador Jinggoy Estrada kung saan ay nakaladkad pa sa kontrobersya ang institusyon bunga ng umano’y kurapsyon sa AFP funds.

Kaugnay nito, pinaniniwalaang harap-harapan sanang tatanggap si Sen. Trillanes ng pang-iinsulto mula sa ilang lower class nito kabilang ang PMA Class 1989 dahil nakasuot ang mga ito ng mga kulay itim na T-shirt na may tatak na “Arrogance is not part of my discipline”.

Ayon sa ilang PMA Class 89, ang nasabing pasaring ay para umano kay Trillanes na sumobra ang pagka-arogante dahilan sa tinatamasang kapangyarihan ngayon bilang Senador.

Kaugnay nito, naghinala naman ang ilang cavaliers na hindi natanim sa isipan ni Trillanes ang pagiging maginoo dahilan sa nalilihis na ito ng landas sa panghuhusga sa kaniyang naging senior officer gayung hindi pa tapos ang imbestigasyon.

Samantalang hindi rin umano dapat kalimutan ni Rabusa na dapat nasa panig ito ng katotohanan at huwag magpagamit kaninumang pulitiko sa pagtestigo nito sa Senado kaugnay pa rin sa kumakalat na balitang hawak ito ni Jinggoy Estrada.

EUNICE CALMA

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.