Trillanes at mga Sundalong Magdalo, binigyan ng Amnestiya ni P-Noy

MASAYA NGAYON ANG kampo ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV dahil sa naging desisyon ni Pangulong Benigno Aquino III na magbigay ng amnestiya sa Senador at iba pang rebeldeng sundalong nagtangka noong patalsikin sa puwesto ang dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

“Masaya kami. We’d like to thank the President for his move,” pahayag ng tagapagsalita ni Trillanes na si Rolando Averilla kahapon.

“Malaking bagay ito sa pagpi-perform niya sa kanyang trabaho. Although we are now filing bills even while he’s in jail, it’s still different if he’s physically present here in the Senate,” ayon kay Averilla.

Hindi raw nasorpresa ang kampo ni Trillanes sa naging desisyon ng Pangulo kahit na mas sinuportahan nito ang naging katunggali ni P-Noy na si Senator Manny Villar noong nakaraang May elections.

“Kahit noon pang kampanya, ‘yan na ang position ng Pangulo. He is consistent,” ani Averilla.

Hindi pa man nakakausap, plano pa rin ni Averilla na ipahatid ng personal kay Trillanes ang desisyon ng Pangulo kahapon.

Tanggap naman ng Armed Forces of the Philippines ang pagkakaloob ni P-Noy ng amnestiya sa mga sundalong naging tinik sa nagdaang administrasyon.

Sa isang press briefing, inihayag ni Brigadier General Jose Mabanta, Jr., tagapagsalita ng AFP na nirerespeto nila ang desisyon ng Commander-In-Chief.

“We respect the decision coming from the Commander-In-Chief. We are certain that whatever its intent is basically geared towards lasting peace throughout the country,” pahayag ni Mabanta.

Ayon kay Mabanta, walang naging pagtutol sa pagbibigay ni P-Noy ng amnestiya sa pamunuan ng mga mutineers.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.