Trike vs karo ng patay: 4 patay, 3 sugatan

NEGROS OCCIDENTAL – APAT katao ang nasawi habang tatlong iba pa ang sugatan nang magsalpukan ang isang funeral service van at tricycle sa Crossing, Bado, Sipalay City.

Kinilala ang mga nasawi na pawang pasahero ng tricycle na sina Janet Phil, 25 anyos, at anak nito na si Samantha, 4 anyos.

Dalawa pa ang napaulat na nasawi subalit patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Sugatan naman si Cedric Palma, 9, at dalawang hindi pa nakikilala na kasalukuyang ginagamot sa Western Visayas Regional Hospital.

Sinasabing napakabilis ng takbo ng van dahil may karga itong patay kaya nabangga ang tricycle dakong alas-4:00 ng hapon ng Miyerkules.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.