Trike driver, Utas sa Kainuman

 

AGAD NA binawian ng buhay ang isang tricycle driver makaraang pagsasaksakin ng kanyang kaalitan sa Bagong Buhay 3, San Jose del Monte City kahapon ng mada-ling-araw.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Raniel Valones kay Bulacan PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nasawing biktima na si Jonathan Solis Y dela Vega, 31 anyos. Samantala, agad namang nadakip ang isa sa tatlong suspek na si Marlon Lopez Y Judilla, 19 anyos, tubong Zambales, at residente sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Wenefredo Dalagan, dakong alas-12:45 ng hating-gabi nang maganap ang pagpatay sa biktima sa pamamagitan ng saksak.

Nabatid na katatapos lamang mag-inuman ng suspek at ng biktima nang yayain umano ito ng suspek sa labas na kanilang bahay at bigla na lamang itong undayan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng dalawang lalaki na naka-suot ng bonnet mula sa madilim na bahagi sa labas ng kanyang tahanan.

Ayon naman sa paunang imbestigasyon, may nabigo umano itong pangako at kasunduan sa kanyang mga kasamahan na driver sa lugar.

Samantala detenido ngayon ang suspek sa San Jose del Monte City Jail sa kasong murder.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.