Trike driver at pasahero, patay sa riding in tandem sa Bulacan

BULACAN – LABIS NA hinagpis ang nadarama ngayon ng isang pamilya sa bayan ng Baliuag, makaraang madamay sa pamamaslang ang kanilang padre de pamilya at breadwinner nang  tambangan ang pasahero nito kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na si Gerardo Mendoza, 47 anyos, trike driver at residente ng Barangay Subic, Baliuag.

Ayon kay Supt. Rizalino Andaya, hepe ng Baliuag PNP, alas-4:30 ng hapon nang namamasada si Mendoza at maisakay ang isang alyas Mar malapit sa kanilang lugar.

Batay sa imbestigasyon, papalabas ng nasabing barangay ang dalawa nang harangin ng dalawang lalaki na naka-helmet at lulan ng motorsiklong walang plaka.

Ayon sa mga itinagong saksi, unang pinagbabaril ng mga salarin si Mar gamit ang cal. 45 pistol at dinamay na rin si Mendoza.

Nang matiyak na patay na ang pasahero ay tumakas sa hindi malamang direksyon ang dalawa habang isinugod sa Bulacan Medical Center sa Malolos si Mendoza subalit makaraan ang ilang oras nagamutan ay namatay rin bunsod ng maraming tama ng baril.

Samantala, naghihinala si Andaya na pawang hired killer ang dumale  sa mga biktima habang  may duda rin na personal na away ang motibo ng pagpaslang. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.