Trigger-Happy na Vice-Mayor!

• 0926524**** – Idol, isa po akong concerned citizen, sana po ay maaksyunan ang ginawang pagpapaputok ng armalite ng isang vice-mayor dito sa Batangas. Isang magazine po ang inubos niya sa pagpapaputok. Mga natatakot naman pong magsumbong ang mga tagarito dahil baka po mapag-initan. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.

 

• 0908315**** – Sir Raffy, sana po ay makalampag ninyo ang mga kinauukulan dito sa lugar namin sa Las Piñas kasi po mga makakapal po ang mukha na mga pulis at naniningil ng P200.00 sa mga taxi driver gabi-gabi. Sana po ay maaksyunan ninyo ito. Maraming salamat po.

 

• 0918281**** – Sir, itatanong ko lang po kung dapat po ba ay pulis ang nanghuhuli ng smoke-belching? Nais ko lamang pong malaman ang kasagutan kung may karapatan silang manghuli. Salamat po.

 

• 0928166**** – Magandang araw po! Sir, isusumbong ko lang po sa inyo iyong mga pulis ng Novaliches sa Station 4 dahil dito po sa aming lugar pumapasok ang kanilang mobile car araw-araw para mangotong. Sana po ay maaksyunan ninyo ito. Salamat po.

 

• 0919388**** – Idol Raffy, irereklamo ko lang po ang mga buwayang pulis dito sa Pacita Complex sa San Pedro, Laguna dahil halos wala na po kaming kinikita dahil sa garapalang pangongotong nila.

 

• 0949965**** – Sir, pakikalampag naman po ang mga kinauukulan dito sa amin sa Pantabangan, Nueva Ecija dahil tatlong buwan na pong walang kuryente sa aming lugar. Marami na po ang nagkakasakit at nagkaka-Dengue rito. Please po, pakikalampag naman po ang mga dapat kalampagin diyan dahil kawawa naman po ang mga bata. Salamat po.

 

• 0949486**** – Sir Raffy, isa po akong concerned citizen ng aming lugar dito sa Brgy. 165 Bagbaguin, Caloocan City. Humihingi po ako ng tulong upang matawag ang pansin ng mga kinauukulan dito dahil po ilang linggo nang hindi kinukulekta ang aming basura. Marami na po ang nagrereklamo sa aming barangay chairman na si Gerardo Santiago ngunit wala pa rin po siyang aksyon na ginagawa. Sana ay makalampag ninyo po pati ang local government namin dito upang matulungan kami dahil magiging sanhi po ng pagbaha sa aming lugar ang mga basura kapag bumara sa mga kanal. Salamat po.

 

• 0908502**** – Gusto ko lang pong isumbong iyong isang police officer ng Pasay City dahil hindi naman po siya authorized na manghuli ng motorista ay nangungumpiska pa po ng lisensya. Salamat po.

 

• 0929953**** – Sir, sana po ay magkaroon ng police visibilty sa bandang Osmeña at Magallanes dahil may mga nagbubukas ng sasakyan doon. Hinablot nga po ang cellphone ng pasahero ko habang napatigil kami sandali roon. Kahit isang pulis po sa paligid ay wala para sana mapagreportan ng pangyayari.

 

Ang inyong lingkod ay napakikinggan sa Wanted Sa Radyo sa 92.3 FM Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro, ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM. Ang WSR ay kasabay na napanonood din sa Aksyon TV Channel 41.

Napanonood din ang inyong lingkod sa T3 Reload sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 5:30-6:00 pm.

Para sa inyong mga sumbong, maaaring mag-text sa 0908-87-TULFO o sa 0917-7-WANTED. Maaari rin kayong personal na magsadya sa  aming public service action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.