Tricycle vs Ten-Wheeler Truck: 2, Patay; Isa, Sugatan

DEAD ON the spot ang isang lalaking backride habang dead on arrival naman ang driver sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital matapos bumangga ang tricycle na sinasakyan ng mga biktima sa isang ten-wheeler truck sa Brgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Alfie Palermo, nasa hustong gulang, driver ng tricycle; at backride nitong si Celso Cruz, 18 anyos, kapwa residente ng Sitio Pisang, Brgy. San Jose Patag; habang sugatan ang pasahero nito. Samantala, boluntaryo namang sumuko ang driver ng close van ten-wheeler truck na si Rico de Guzman.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, dakong  alas-1:55 ng madaling- araw nang maganap ang aksidente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ilang mga saksi sa insidente, hindi umano pinagbigyan ng truck ang paparating na tricycle dahilan upang magbanggaan ang dalawang  sasakyan.

Nabatid na patungo sa bahagi ng San Jose del Monte City ang ten-wheeler truck na may plakang RLP-328.

Samantala detenido ngayon ang suspek sa Sta.Maria Municipal Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.

(TONY DELA PEÑA) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.