Tricycle, Sinuyod ng Van; Driver, Tigok

DEAD ON arrival sa Bulacan Provincial Hospital ang isang tricycle driver makaraang  suyurin  at mabundol ng rumaragasang Avanza van kagabi sa Brgy, Gatbuca, Calumpit Bulacan.

Sa ulat ni P/Supt. Manuel Santos, kay Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nasawing  biktima na si Sonny Bacullio Y Nabong, nasa hustong gulang, may-asawa, at residente ng Brgy. Corazon sa nabanggit na bayan. Samantala, boluntaryo namang sumuko sa mga pulis ang driver ng Avanza van na si Mark Christian Guinting, nasa hustong gulang, empleyado ng San Miguel Corporation, at residente ng Brgy. Sta. Rita, Macabebe, Pampanga.

Base sa inisyal na im-bestigasyon, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng McArthur Highway, ilang metro lamang ang layo mula sa Gatbuca Bridge.

Nabatid sa 1024 Rescue Team, na inabutan pa nila ang biktima sa madilim na bahagi ng kalsada na nakasubsob at nakataob din ang tricycle nito na tumilapon dahil sa lakas ng pagkakabangga.

Ayon sa mga doktor, wala nang buhay nang idating sa ospital ang biktima dahil sa nagkaroon umano ng basag ang ulo nito.

Ayon naman sa mga residente sa lugar, madalas ang aksidente sa nabanggit na kalsada dahil sa kawalan ng ilaw at madilim ang bahagi ng nabanggit na barangay.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.