Tricycle, Nagliyab; Driver, Natusta

PATAY ANG isang tricycle driver matapos magliyab ang minamanehong tricycle sa Brgy. Larion, Tuguegarao City.

Base sa inisyal na ulat ng mga awtoridad, sumalpok ang minamanehong tricycle ng biktima sa kasalubong na ten-wheeler truck na minamaneho ng isang Ryan Flores ng Bitag Grande, Baggao, Cagayan at kargado ng mais.

Napag-alaman na u-magaw ng linya ang driver ng motorsiklo kung kaya’t nabunggo ng truck na mula sa bayan ng Alcala, Cagayan na papunta sa lalawigan ng Isabela kamakalawa ng gabi.

Samantala, patuloy na inaalam ng mga kinauukulan ang pagkakakilanlan ng biktima na nakalagak ngayon ang labi sa isang punerarya sa lungsod.

Nabatid na sunog na sunog ang bangkay kung kayat hirap itong makilala ng pulisya.

Sa ngayon, patuloy ding iniimbestigahan ng mga kapulisan kung bakit nagliyab ang minamaneho nitong tricycle.

Inihahanda naman na ang kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property laban sa salarin na nasa kustodiya ngayon ng PNP Tuguegarao.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.