Tricycle na Tatangayin, Ayaw Mag-Start; Carnapper, Dakma

SWAK SA kulungan ang kelot matapos dambahin ng mga tambay nang hindi mapa-start ng una ang tatangaying tricycle sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Christopher Sevillano, 21 ng Area 6, Maysan ng lungsod.

Base sa ulat, alas-2:30 ng umaga, sinakyan ng suspek ang Kawasaki tricycle ni Reyanldo Palma Jr., 26 habang nakaparada sa tapat ng kanilang bahay sa R. Valenzuela St., Marulas ng lungsod.

Ilang tadyak na sa kick starter ang suspek subalit ayaw pa ring mag-start ang motorsiklo hanggang sa makita ng mga tambay.

Hindi na nakapalag ang suspek nang kuyugin at dalhin sa presinto. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.