Tricycle Driver, Utas sa Mag-aama

TIGOK ANG isang tricycle driver nang pagtulungan pagsasaksakin ng mag-aama habang ang una ay pumapasada kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Binawian ng buhay habang dinala sa Nodado Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Gregorio Biasa Jr., 35, ng Villa Imelda, Camarin ng lungsod.

Nadakip naman si Ronnel Calbadores, 27, habang nakatakas ang mga kapatid na sina Romel, 31; at Roroy, 19; kasama ang tatay na si Romy, 51, pawang mga kalugar ng biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi, pumapasada ang biktima sa nasabing lugar nang harangin ng mga suspek at pagtulungang pagsasaksakin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mag-aama habang dinala naman ang biktima sa nasabing ospital.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip si Ronnel kung saan inaalam na ang pinagmulan ng pananaksak.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.