Tricycle driver, todas sa ulan ng bala

WALANG BUHAY na humandusay sa kalsada ang isang tricycle driver nang paulanan ito ng bala ng baril ng dalawang hindi nakikilalang suspek habang ang biktima ay nakatayo sa gitna ng kalsada kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala nina SPO3 Joel Montebon at PO3 Enrique Pangan, mga imbestigador ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Caloocan PNP at mga may hawak ng kaso, ang biktima na si Freddie Figueroa, 33, may-asawa at residente ng 38 Baltazar Bukid, Brgy. 70 ng nabanggit na lungsod.

Base isinagawang imbestigasyon ng dalawang nasabing pulis, dakong alas 9:55 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng 10th Avenue kanto ng Baltazar Bukid partikular sa harap ng isang bakery.

Nabatid, bago umano maganap ang nasabing pamamaril, ang biktima ay sakay ng kanyang motorsiklo na may back ride at habang binabagtas ng una ang nasabing lugar ng may biglang sumigaw na isang babae na “Kuya Dodong Ingat ka”.

Sa puntong ito ay napahinto ang biktima at saka mabilis na bumaba sa sinasakyang motorsiklo para lapitan nito ang ang babaeng sumigaw subalit hindi pa man nakalalapit ang biktima sa nasabing babae ay magkasabay na nilapitan ito ng dalawang suspek na pawang armado ng hindi nabatid na kalibre ng baril.

Dito ay magkasabay ring pinaulanan ng bala ng baril ang biktima nang malapitan na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan na nagresulta sa maaga nitong kamatayan.

Sa pangyayaring ito ay biglang nawala ang angkas ni Figueroa gayundin ang babae habang ang mga suspek naman ay mabilis na nagsitakas sakay ng isang kulay puting van patungong Avenida Rizal.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng manhunt operation ang Caloocan PNP laban sa dalawang nagsitakas na suspek upang malaman ang nasa likod ng pamamaslang.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.