TRICYCLE DRIVER TODAS SA PULIS

RIZAL – PATAY ANG isang tricycle driver matapos na “aksidenteng” mabaril ito ng isang police investigator kamakalawa ng gabi sa bayan ng Rodriguez.

Kinilala ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto ang biktima na si Ricardo Alejandro, 43 anyos, tricycle driver, residente ng Brgy. San Rafael ng nasabing bayan.

Arestado naman ang suspek na si PO2 Rene Eufracio, 34 anyos, traffic investigator, nakatalaga sa Rodriguez Police Station.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-11:20 ng gabi sa Reyes st., Brgy.San Rafael, Rodriguez, Rizal.

Nabatid na tinawag ang suspek ng mga barangay tanod para imbestigahan ang isang aksidente kung saan ay involved ang motorsiklo ng biktima na umalis para humingi ng responde sa mga kasamahan.

Habang nagsasagawa ng imbestigasyon si Eufracio ay dumating ang biktima kasama ang isa pang tricycle driver na lango sa alak.

Dala ng kalasingan ay kinukulit ng dalawang lasing ang imbestigador dahilan para magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng imbestigador.

Bigla na lamang dinakma ng biktima ang baril ng nasabing pulis at sa pag-aagawan ay aksidenteng pumutok nang “dalawang ulit” at tinamaan ang biktima. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.