Tricycle Driver, Todas sa Naka-kapote

TODAS ANG isang tricycle driver makaraang parahin at pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek na naka-kapote sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Lito Malbueso, nasa hustong gulang ng Phase 2, North Bay Boulevard South ng lungsod.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi, pumapasada ang biktima sa Maliputo st., NBBS nang parahin ng suspek na naka-kapote at sunod-sunod na pinutukan.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TMC kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino at ano ang motibo ng una.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.