Tricycle Driver, Sablay sa Pagboga, Kulong

KALABOSO ANG bagsak ng isang tricycle driver makaraang magwala at magpaputok ng dala nitong sumpak sa paradahan ng tricycle nang sumablay sa tangkang pagbaril sa kapwa nito driver kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detencion cell ng Calooca police at sinampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Aljohn Sungcad, 23, binata, ng No. 2 Purifaication St., Brgy. 26, ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa terminal ng mga tricycle sa Marcela St., ng nabanggit na barangay.

Sa reklamo ni Rolando Pangilinan Jr., 35, may-asawa, tricycle driver, ng No. 117 Kabulusan St., Brgy. 23, Caloocan City, bigla na lamang sumulpot ang suspek na armado ng homemade shot gun at agad siyang binaril.

Dito, nailagan ng biktima ang bala at agad itong humingi ng tulong sa mga barangay tanod na naging dahilan ng agaran pagadakip sa suspek, kung saan narekober mula rito ang sumpak at 2 bala saka dinala sa nabanggit na himpilan ng pulisya.

Nabatid na bago ang insidente, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Sungcad at Pangilinan hinggil sa terminal ng tricycle dahilan upang barilin ng una ang huli.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.