Tricycle Driver, Pinugutan Ng Ulo

ISANG TRICYCLE driver ang natagpuang patay sa bayan ng Medina, lalawigan ng Misamis Oriental.

Kinilala ang biktima na si Comedy Sayson, 30-anyos at residente sa naturang lugar.

Base sa impormasyon ng mga kinauukulan, maliban sa halos maputol ang ulo ng biktima ay nakatali pa ang mga kamay at paa nito.

Naniniwala ang mga awtoridad na kakamatay pa lamang ng biktima dahil nakita pa ito ng kanyang mga kapit-bahay kamakailan.

Patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing insidente at inaalam din ang pagkakakilanlan ng mga salarin. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.