Tricycle Driver, Pinagsasaksak Dahil sa Popcorn

AGAW-BUHAY SA pagamutan ang isang tricycle driver makaraan pagsasaksakin ng isang pop corn vendor makaraan ang isang mainitang pagtatalo hinggil umano sa hindi nabayarang pop corn ng biktima kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nasa kritikal na kalagayan ang biktimang si Francisco Devera, 41, may-asawa, tricycle driver, at resident eng Block 13, Lot 4, Phase 3, Tulla St., Dagat-Dagatan ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang nagtatago sa batas ang suspek na nakilalang si Joey Dolorso, popcorn vendor, ng Phase 3-C, Kaunlaran Village, Tanigue St., Brgy. 18, Caloocan City.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng Caloocan PNP, dakong ala-1:35 ng umaga nang maganap ang nasabing pananaksak sa kahabaan ng Tulla St. kanto ng Tamban, Dagat-Dagatan.

Nabatid na kasalukuyang namamasada ng tricycle ang biktima nang biglang minura ng suspek ang biktima dahil sa hindi umanong nabayarang popcorn.

Kaagad na huminto ang tricycle driver at kinumpronta ang huli na humantong sa isang mainitang pagtatalo at sa kainitang na pagtatalo ng dalawa ay biglang bumunot ng patalim ang huli at sunud-sunod na inundayan ng saksak sa katawan ang una.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek habang ang biktima naman ay mabilis na dinala ng kanyang mga kaanak sa nabanggit na pagamutan kung saan ito ngayon ay kritikal ang kalagayan.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.