Tricycle driver, patay sa pasahero

PATAY ANG TRICYCLE driver matapos saksakin ng hindi pa kilalang pasahero nang magtalo sa pamasahe sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng saksak sa katawan si Jesusito Velasco, 35, ng Phase 7-B, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng madaling-araw, nagpahatid ang suspek sa Altoveros Co-vered Court sa Phase 7-B, Bagong Silang ng lungsod.

Pagsapit sa nasabing lugar ay bumaba ang suspek at nagbayad subalit nakulangan sa bayad ang biktima na naging dahilan ng pagtatalo.

Nagbunot ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima bago tumakas habang dinala naman sa JRH si Velasco.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.