Tricycle Driver, Patay sa 2 Kainuman

 

PATAY ANG isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng dalawang kainuman nang magkakulitan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Rampino Radanton, 44, ng Bagumbong ng lungsod.

Nadakip naman si Jonathan Dantos, 41, habang nakatakas ang hindi pa kilalang kasama at mga kalugar ng biktima.

Nabatid na hapon pa lang ay kainuman na ng biktima ang mga suspek at pagsapit ng alas-10  ay nagkakulitan.

Umuwi ang mga suspek at makalipas ng ilang sandali ay umuwi na rin ang biktima subalit hindi pa nakapapasok ng bahay ay sumulpot ang mga suspek at pinaputukan ang nasawi.

Nadakip si Dantos ng mga rumespondeng mga pulis.    (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.