Tricycle driver, inatado ng bayaw

ISANG TRICYCLE DRIVER ang nasa malubhang kalagayan matapos pagsasaksakin ng kanyang bayaw nang sitahin ng huli ang una sa pag-uwi ng lasing kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Inoobserbahan ngayon sa Jose Reyes Memorial Medical Hospital sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa ibat-ibang parte ng katawan ang biktimang si Danilo Pabiano, 56, may asawa, ng Sitio 6, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod.

Tugis naman ng mga awtoridad ang suspek na nakilalang si Benjamin Cusay, nasa hustong gulang at bayaw ng biktima ng nasabing lugar.

Sa ulat ni P02 Patrict Albarado, may hawak ng kaso, dakong alas-4:00 kahapon ng madaling-araw, umuwi ng lasing ang biktima galing sa pakikipag-inuman sa mga kaibigan nito dahilan upang sitahin ng suspek.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang ginawang paninita ng suspek sa biktima hanggang sa bigla na lamang bumunot ng patalim si Cusay at pinag-uundayan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Pabiano saka mabilis na tumakas.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.