Tricycle Driver, Dedo sa Hollow Block

DEDO ANG isang tricycle driver matapos paghahampasin ng hollow block sa ulo ng kainuman kung saan tinangka pang magpalusot ang huli na nagdahilang aksidente lang umano ang nangyari sa kanila habang nasa ospital sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Dead on arrival sa Novaliches General Hospital sanhi ng pinasala sa ulo si Kenneth Brian Iglesias, 22, ng Samson Road, Deparo ng lungsod.

Nadakip naman ang suspek na si Mark Nathaniel Andres, 18, ng Saint Jude St., Villa Maria Subdivision ng lungsod.

Sa ulat, alas-8:30 ng umaga, kainuman ng biktima ang suspek at dalawang kaibigan sa bahay ni Iglesias at nagkaroon ng pagtatalo.

Nagsuntukan ang biktima at suspek hanggang sa makakuha ng hollow block ang huli at sunud-sunod na inihataw sa ulo ng una na naging dahilan upang mawalang ng malay.

Sumama ang suspek sa pagdadala sa ospital at idinahilan sa ospital na naaksidente lang sila upang hindi na itawag sa mga pulis. Subalit sinabi ng ibang kasama sa guwardiya ang tunay na pangyayari na naging dahilan upang pigilan si Andres na makatakas hanggang sa magdatingan ang mga pulis at dinakip ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.