Tricycle Driver, Binaril Habang Pumapasada

PATAY ANG isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek habang ang una ay namamasada sa Caloocan City kahapon ng umaga.
Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan si Roger Mandia, 47 ng 2nd Avenue ng lungsod.
Sa ulat, alas-4:50 ng umaga, pumapasada ang biktima sa kanilang lugar nang lapitan at pagbabarilin ng mga suspek.
Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek kung saan inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga una.
(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.