Tres Marias timbog sa Buy-Bust

TATLONG BABAENG drug pushers ang swak sa selda nang bentahan ng droga ang isang pulis na umaktong poseur-buyer sa Brgy. Pagdalagan Norte, San Fernando City, La Union.

Ito ay sa pamamagitan ng pinagsanib na puwersa ng PNP at PDEA-RO1, kung saan ay kinilala ang mga suspek na sina Lilibeth Sagmayao, 26-anyos; Jenny Bulay, 27-anyos na kapwa residente ng Tinglayan, lalawigan ng Kalinga; at Maika Dalmores, 26 ng Brgy. Lon-oy, San Gabriel, La Union.

Nakumpiska sa kani-lang pag-iingat ang tatlong Marijuana bricks at ang ginamit na P500 marked money ganoon din ang cellphone na pinaniniwalaang ginagamit sa iligal na transaksyon.

Batay sa talaan ng pulisya, lumalabas na kalimitan na galing sa lalawigan ng Ifugao, Mt. Province, Kalinga, Apayao, Benguet at Abra ang lahat ng nakukumpiskang pinatuyong dahon ng Marijuana na ipinupuslit kung saan saan ito ibinebenta.

Sa ngayon ay nakakulong na ang tatlo habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila gaya ng Sec. 5 ,Sec. 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o di kaya ay Republic Act No. 9165.

(E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.