Tren ng MRT, nagliyab

NAGLIYAB ANG ilalim na bahagi ng isa sa mga bagon ng Metro Rail Transit (MRT) kahapon dahilan para sandaling maantala ang operas-yon nito.

Parating ang tren sa northbound ng GMA-Kamuning station nang mapansin ng mga pasahero ang usok na nagmumula sa isang bahagi ng bagon.

Mabilis na pinalabas ang mga pasahero at bahagyang nagkagulo nang mag-unahan ang mga ito.

Ilang pasahero ang nasugatan at nagtamo ng mga galos sa paa at braso.

Ayon kay MRT General Manager Atty. Al Bitangcol, short circuit ang naging sanhi ng sunog at usok.

Mabuti na lang at nasa platform na ang tren nang magliyab kaya agad ding nabugahan ng fire extinguisher.

Agad namang naibalik ang normal na operasyon ng tren ilang minuto matapos ang insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Tren ng MRT, nagliyab

  1. Pingback: Tren ng MRT, nagliyab - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.