Tren, Balik-Normal Ngayong Araw

BALIK NA sa normal ngayong araw ng Lunes ang regular na operasyon ng mga tren matapos ang apat na araw na suspensyon para sa Mahal na araw.

Sinabi ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na babalik na sa normal ang magi-

ging biyahe ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT).

Una nang inihayag ni LRTA spokesperson Hernando Cabrera, itinigil ang operasyon ng LRT Lines 1 at 2 at MRT nitong Huwebes Santo, hanggang Linggo ng Pagkabuhay para sa taunang maintenance work.

Samantala, inihayag ni LRTA officer-in-charge Emerson Benitez na sakop ng maintenance work ang pagpapalit ng riles at catenary wires gayundin ang paglilinis at check-up ng lahat na LRT facilities, systems at equipment.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.