Tree Planting, Ilulunsad ng CLMA sa Aurora

UPANG MAKATUGON sa lumalalang problema ng climate change sa bansa, ilulunsad ngayong araw ng mga miyembro ng Central Luzon Media Association mula sa Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales, kasama ang local government units at mga miyembro ng PNP at 48th Infantry Batallion ng Philippine Army na naka base sa nabangit na lalawigan, ang isang tree planting activity.

Sa temang “Environment for the People”, tinatayang aabot sa 250 puno ng “Aguho”, isang uri ng punong-kahoy na nabubuhay sa tabi ng dagat ang itatanim sa Sitio Amper, Brgy. Gupa sa Dipaculao, Aurora sa Mayo 26, 2012.

Ayon kay Mayor Reynante Tolentino, malaki ang maitutulong ng pagtatanim ng naba-ngit na mga puno sa kanyang bayan dahil mabibigyan ng proteksyon ang pagguho ng mga lupa na malapit sa low-lying areas na madalas na tinatamaan ng kalamidad sa panahon ng tag-ulan.

Kasama rin na tutulong sa pagtatanim ng nabangit na mga puno ang mga estudyante ng Lyceum of the East, BFP, kabilang na ang Community Environment and Natural Resources Office (CENRO)ng Maria Aurora, at ng mga tauhan ni Aurora Congressman Sonny Angara, kabilang na ang tauhan ng Kapitolyo.

Ayon naman kay CLMA President Thony Arcenal, isa lamang ang tree planting sa tinututukan at adbokasiya ng mga mamamahayag sa Gitnang Luzon, upang makatugon sa problema ng kalikasan. Aniya, nakatuon ang grupo sa kondisyon at kalalagayan ng kapaligiran sa bansa partikular sa Central Luzon.

Kasabay nito, magkakaroon din ng CLMA monthly board meeting, kasunod ang isang forum, kasama sina Aurora Gov. Bellaflor Angara-Castillo, Dipaculao Mayor Rey Tolentino, Aurora Provincial Director Sr. Supt. Benjie Hulipas, 48IB BatCom Lt.Col. Kurt Decapia, at Aurora Congressman Sonny Angara.

Kung saan layon nitong pag-usapan kung paano maitataas ang kabuhayan partikular sa usapin ng turismo, upang makatugon sa problema ng kakapusan ng hanap-buhay ng ilang mga mamamayan sa pamamagitan ng pag-promote sa pamamagitan ng iba’t ibang pahayagan, radio at television.

(TONY DELA PEÑA) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.