TRC-DOST Head, Handa sa imbestigasyon; Nag-Leave Dahil kay Napoles

NAKAHANDA ANG Director General ng Technology Resource Center (TRC) na sumailalim sa imbestigasyon ang kanyang tanggapan kaya nagsumite umano siya ng indefinite leave of absence sa tanggapan ni Secretary Mario

Montejo ng Department of Science and Technology (DOST).

Upang ‘di na umano ma-damay ang kanyang pangalan sa kontrobersiya ng pork barrel. Sinabi ni TRC Director General Dennis L. Cunanan ang pahayag na ito upang makapag-imbestiga nang husto ang pamahalaan.

“I am confident that ultimately my name will be cleared as my actions on this issue will bear me out. That being one of my first official actions upon assuming the helm in TRC is to look into the PDAF disbursements,” ayon kay Cunanan. Dagdag pa niya, mula 2010 tumigil na ang TRC na mag-implementa ng mga PDAF bago pa aniya kay Janet Lim-Napoles. Sinabi rin niyang nag-imbestiga na sila ukol sa mga NGO na ‘di maipaliwanag ang paggastos ng PDAF.

Nakipagtulungan na rin ang TRC sa COA bago pa mag May 2010 sa pag-audit sa mga PDAF mula 2007-2009. Humarap na rin sa National Bureau of Investigation Special Task Force si Cunanan at na-ngakong makikipagtulungan sa pagsisiyasat, kaugnay nito ay 44 na NGO ang blacklisted na sa TRC dahil napatunayang kabilang o kasabwat sa JLN group.

(MJ Balaguer)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.